“Being a hero is about the shortest-live profession on earth.” – Will Rogers
Si Muelmar Magallanes, isang labing-walong taong gulang na construction worker, sumagip sa buhay ng mahigit 30 katao noong kasagsagan ng bagyong Ondoy. Ayon sa mga website na nakapagtala ng kaganapan nang pagsagip ni Magallanes sa mga biktima ng bagyo noong Setyembre 26,2009 buong tapang niyang ipinain ang kanyang buhay upang mailigtas ang kanyang pamilya. Paulit-ulit na bumalik si Magallanes sa kanilang kalye sa Barangay Bagong Silangan upang tulungan ang mga taong hindi makaalis ng kanilang tahanan ngunit sinawing palad namang hindi nasagip ang kanyang sarili.
“He [Magallanes] came from nowhere, and then he was gone. He gave his life for my baby,I will never forget his sacrifice.” Peñalosa said about the boy who brought them to safety – TIME MAGAZINE
Pinarangalan siya ng TIME bilang isa sa Top 10 heroes ng taon kasama sina Banker-Leonard Abess, Reporter-Sultan Munadi at Captain Chesley Sullenberg. Pinarangalan din siya ng senado dahil sa kanyang kabayanihan. Dahil sa kanyang ginawa napatunayan niya na ang pagiging bayani ay wala sa uniporme, edad, yaman o estado ng buhay kundi nasa puso, diwa at kaluluwa ng bawat isa.
“Being a Superhero maybe a fiction, but being a Hero is non-fiction. Everyone can be a hero…Everyone… so be one.” – Gilbert Monsanto (BAYAN KNIGHTS)
No comments:
Post a Comment