Thursday, November 3, 2011

GAMING EVOLUTION - NOON AT NGAYON



--Noon Up, Down, Left, Right, Select, Start, A, B. lang ang controls...

ngayon L1, R1, L2, R2, Triangle, Circle, Square, Z, C at kung anu-ano pa.

--Noon up, up, down, down, left, right, left, right, b, a, b, a, select, start lang ang cheat...

ngayon, i-type mo lang ang sv_cheats_blahh blahh blahh...immortal ka na.

--Noon pag na-deads ka sa laro at wala ka nang "life", ulit ka sa umpisa...

ngayon, pag na-deads ka, pwede mo nang i-load at i-continue ng continue.

--Noon masaya na ang may two-players...

ngayon, massive na, multiplayer pa.

--Noon maiksing pangalan lang ang pwede mo'ng ibigay sa bida mo'ng character...

ngayon, meron na silang pangalan, may apelyido pa.

--Noon Isang cartridge per game lang, hinihipan mo pa para gumana...

ngayon, may cd o umd na.

--Noon magaan at manipis ang controllers. Pag bumagsak sa paa mo, durog ang controller...

ngayon pag bumagsak ang controller sa paa mo, durog ang controller pati paa mo.

--Noon pupuntahan ka pa ng kapitbahay niyo para maglaro kayo ng Contra sa Family Computer...

Ngayon, magkikita na lang kayo sa GG o SF, puro Online game na kasi uso..

--Noon sinasabi ng mga magulang mo na masisira ang TV niyo kaka-videogame mo...

ngayon, sinasabi ng mga magulang na masisira ang buhay mo pag di ka tumigil kakalaro.

Dami na talagang nagbago, kasabay ng pag-evolve ng mga laro, ganun din ang mga gamers...

Tingnan niyo na lang ang mga pictures na nasa ibaba.

Ang nasa left side ang mga classic na laro mula sa Famicom at ang nasa right side ay mga laro na sikat ngayon...may pagkakahawig ba? :-)


CONTRA VS CALL OF DUTY

BATTLE CITY VS COMMAND AND CONQUER

BOMBERMAN VS DOTA

DOUBLE DRIBBLE VS NBA2K11

GALAGA VS STARCRAFT

ROAD FIGHTER VS NEED FOR SPEED


SUPER MARIO BROS. VS ASSASSINS CREED


PACMAN VS LEFT 4 DEAD





No comments:

Post a Comment