Flashlight: Why we joined the Filipino Heroes League?
Invisiboy: To protect and serve the Filipino people no matter the cost.
Flashlight: Wrong, we do it for chicks – they like the costume.
(p.13 Filipino Heroes League)
Di ko mapigilang mapangiti habang binabasa ko ang graphic novel na gawa ng writer/artist Paolo Fabregas (with Budjette Tan and Ian Sta.Maria) na may title na Filipino Heroes League. Lahat halos ng mga pangyayaring nagaganap ngayon sa bansa natin eh makikita mo sa kanyang nobela. Ilan sa mga nakatutuwang eksena na nakita ko dito ay tulad ng:
1. OFH ( Overseas Filipino Heroes ) tawag sa mga superheroes na nangibang bansa para kumita ng pera.
2. Mga taong may crush sa isang sikat na showbiz personalities. (parang mga Justin Bieber fan lang)
3. Genius pero nakatira sa Payatas dumpsite. (parang yung mga inventor lang dito sa Pilipinas na di pinapansin ng pamahalaan)
4. Superhero na sa sobrang kahirapan eh hindi man lang makabili ng costume. (parang Pilipinas na daming utang)
5. At ang pinakamalupet ay ang pakikipaghabulan ng mga superheroes sa mga kaaway gamit ang PEDICAB…san ka pa?
Kung mahilig kang magbasa ng komiks.mapapansin mong may pagkakahawig yung title sa Justice League of America yun nga lang in a Third world style, walang Batmobile, Hightech gadgets o Super secret satellite headquarter.
Nakatutuwang basahin ang bawat nilalaman pero nakalulungkot isipin na kapos na nga sila sa budget. Kapos pa sa appreciation ng mga taong pinaglilingkuran nila. Malayong- malayo sa mga superhero na mapapa - “Wow” ka talaga sa yaman at kasikatan. Tingnan na lang natin ang ilan sa mga bilyonaryong superhero na napapanood natin ngayon tulad nina
1. IRON MAN – OWNER OF MULTI-BILLION DOLLAR INDUSTRIAL COMPLEX STARK INDUSTRIES.
2. BATMAN – OWNER OF WAYNE ENTERPRISES, A HUGE COMPANY IN A DARK CITY CALLED GOTHAM.
3. MR. FANTASTIC – A SCIENTIFIC GENIUS WHOSE INVENTIONS MAKE HIM VERY VERY WEALTHY.
4. PROFESSOR XAVIER – INHERITED A LOT OF MONEY AS THE TENTH GENERATIONS HEIR OF XAVIER FAMILY
Hindi ko sinasabing maging isang perfect costumed crime fighters sila tulad ng mga nasa taas. Sabihin na natin dungisin si Kidlat, babaero si Flashlight at matakaw naman si Invisiboy but still they find a way to fight a good fight.
“I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes – seed that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance.” – Carlos P. Romulo
No comments:
Post a Comment