Vindicator (Canada)
Union Jack (Britain)
Batal (Syria)
Sunfire (Japan)
Sabra (Israel)
Collective man (China)
Red guardian (Russia)
Dito sa Pilipinas kung Superhero lang din ang pag-uusapan. Walang hindi nakakakilala kay Panday, Captain Barbell at Darna. Yun nga lang wala sa kanila ang masasabi nating sumunod sa color motif ng ating watawat, siguro higit sa pagsusuot ng makukulay na damit, mas binigyan halaga na lang nila ang pagiging simpleng superhero at kung ano ang kaya nilang gawin.
Mahilig akong magbasa ng komiks simula pagkabata, partikular ang mga komiks na may superhero at supervillain na naglalaban. Isa sa napaka-interesanteng nakita ko ay may mga pinoy artist na palang gumagawa ng mga superhero na may symbolic figures ng watawat natin sa kanilang costume. Halimbawa:
Salakay
Kalayaan
Three Star and The Sun
Kalasag
Kapitan Bandila
Sandata
Servant
Mga simpleng independent producer lang ang may hawak sa kanila. Masyadong maliit kung ikukumpara sa gumawa ng Superman at Captain America, pero nakatutuwang isipin na meron din palang mga artist na gumagawa ng mga ganitong may "tatak pinoy"....
No comments:
Post a Comment